Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya
Isa sa mga pangunahing makatutulong upang ang isang tao ay maging matagumpay, masaya at magkaroon ng kakayahan na makapag-ambag para sa kaunlaran ng lipunan ay ang turuan siya na makagawa ng mabuting pagpapasiya at pagkatapos ay bigyan siya ng laya na magpasiya para sa kanyang sarili.
Ang mga pagpapasiyang isasagawa ng bata hanggang sa kaniyang pagtanda ang siyang magdidikta kung anong uri ng tao siya magiging sa hinaharap at sa kung anong landas ang kaniyang pipiliing tatahakin.
Mahalagang magabayan ang isang kabataan sa paggawa ng tamang pagpapasiya upang hindi siya masanay na gumawa ng mga maling pasiya at hindi matuto sa mga ito.
Piliin mo ang magmahal..... kaysa ang masuklam.
Piliin mong ang tumawa..... kaysa ang maluha.
Piliin mo ang lumikha.....kaysa ang sumira.
Piliin mo ang magtiyaga.....kaysa ang manghinawa.
Piliin mo ang pumuri.....kaysa ang manira.
Piliin mo ang magpagaling....kaysa ang manakit.
Piliin mo ang magbigay....kaysa ang magnakaw.
Piliin mo ang umunlad....kaysa ang mabulok.
Piliin mo ang manalangin....kaysa ang manisi.
Piliin mo ang mabuhay....kaysa ang mamatay at
Piliin mo ang tamang pagpapasiya upang ikaw ay lumaya at tunay na lumigaya.
Ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili. Ang pagkakaroon ng kakayahan sa mabuting pagpapasiya ay bunga ng karunungan at pagpapahalagang naitanim ng mga magulang sa kanilang mga anak mula noong sila ay bata pa lamang. Ito ay bunga ng pagtitiwala at pagbibigay sa mga bata ng kalayaan na gumawa ng pagpapasiya na ginagabayan ng maingat na paghusga.
No comments:
Post a Comment