Thursday, July 14, 2016

Ang Misyon ng Pamilya sa Paghubog ng Panananampalataya.


                                                           





                       Paghubog ng Pananampalataya



                         Kailan ka huling nagsimba o sumamva kasama ang iyong pamilya? Kailan ang huling pagkakataon na sama-sama kayong kumain at nagbigay ng pasasalamat dahil sa mga biyayang inyong tinanggapbilang pamilya? Siguro, mas madalas walang pagkakataon, busy lahat. Maging ikaw busy rin. Pero napansin mo ba na kapag hindi sama-sama, parang may kulang?
                                                 


                                         


                           Sabi ni Stephen Covey sa kaniyang akalat na 7 Habits of Highly Effective Families, may mga pag-aaral na nagpapatunay na ang pakikibahagi ng isang tao sa mga gawaing pangrelihiyon ay mahalaga upang magkaroon ng pangkaisipan at pandamdaming kalusugan at katatagan lalo na kung ito ay ginagawa ng tao ng may pagkukusa o bukas puso. Ito rin ay nakapagpapatibay ng pagsasamahan ng pamilya. Aniya, kung ang isang pamilya ay maglalaan 10-15 minuto sa tuwing umaga sa pagbabasa ng mga babasahin na mag-uugnay sa inyo at sa Diyos (tulad ng  Bibiliya para sa mga Kristiyano o Qu'ran para sa mga Muslim), makatitiyak na ang mga pagpapasiyang isasagawa ay mabuti, mas magiging makabuluhan sa pag iisip, mas magiging mahusay ang pakikitungo sa kapwa, mas magiging maayos ang mga binubuong pananaw, magkakaroon ng sapat na kakayahan na mag-isip muna bago gumawa ng kilos o tumugon sa sitwasyon, mas magiging malapit ang ugnayan sa mga bagay o tao na tunay na mahalaga sa iyo at higit sa lahat mas magiging matibay ang ugnayan ng buong pamilya.


                                             

                     Ngunit paano natin masasanay ang ating sarili kasama ang ating sarili kasama ang ating pamilya sa pagsasagawa ng mga ganitong gawain?  Narito ang ilan sa mga pamamaraan na maaaring  makatulong sa iyo at sa iyong pamilya.




                 
                   1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya.
                  
                   Mahalagang tanggapin at yakapin ng lahat ng kasapi ng pamilya na ang Diyos at ang tunay na pananampalataya sa kaniya ang makapagbibigay ng katiwasayan sa pamilya at sa ugnayan ng mga kasapi nito. Mas magiging madali para sa isang pamilya ang harapin ang anumang pagsubok kung nananatiling matingkad ang presensiya ng Diyos sa gitna nito.

              

                   2. Ituon ang pansin sa pag-unawa.  

                      Ang pakikinig sa panalangin o sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya ay hindi sapat kahit pa ang pagmemorya sa nilalaman nito. Ang mahalaga ay tunay na ipaunawa sa anak ang halaga ng pagkakaroon ng kaalaman at pag-unawa sa nilalaman nito para sa kaniyang buhay at kung paano ito mailalapat sa kaniyang araw-araw na pamumuhay.





 3. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe.
        
           Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe. Hindi natin malilimutan ang mga karanasan na nagkaroon ng malalim na epekto sa ating pagkatao. Mas magiging malalim ang mensaheng maibibigay ng aral ng pananampalataya kung ito ay mararanasan sa pang-araw-araw na buhay.




                                                4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng                             pamilya na makinig at matuto. 

                      Ang paghubog sa tao sa pananampalataya ay hindi dapat ipinipilit. Kapag ginawa ito,lalong lalayo ang loob ng kasapi ng pamilya. Mahalagang laging gamitin ang mga pagkakataon na dumarating upang mailapat ang mga mensahe mula sa mga aklat tungkol sa pananampalataya.
  
                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                    5. Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang itinuturo tungkol sa pananampalataya.

                 Mabilis makalimot ang tao. Kaya sa pagtuturo tungkol sa mahahalagang aral tungkol sa pananampalataya, mahalagang maisagawa ito nang paulit-ulit upang ito ay tumanim nang malalim sa kanilang puso at isipan.








                     6. Iwasan ang pag-aalok ng "suhol." "Sige, kapag sumama ka sa akin magsimba kakain tayo sa labas."
        
                      Hindi naman siguro ito masama ngunit mahalagang maiwasan na hindi dapat malito ang tao sa tunay na layunin ng pagsasagawa ng mga gawain para sa pananampalataya. Mas mahalaga pa rin na matulungan ang mga kasapi ng pamilya na gawin ito nang kusang-loob at buong-puso. Sa ganitong pagkakataon lamang ito magkakaroon ng lalim para sa kanila.
                                                                                                                                   7. Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan. 

                     Mas masaya, mas hindi malilimutan. Ito ang mahalagang tandaan kung magtuturo tungkol sa pananampalataya. Tiyakin na lilikha ng mga pagkakataon na magiging masaya ang kasapi ng pamilya na matuto.
                                              


                       
.                    Ang lahat ay isagawa nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya. Huwag nating hayaan masira ang pamilyang binuo dahil sa pagmamahal. Kailangan kumilos ang lahat para ito ay ingatan at ipaglaban.
                                                            
                                             


                                     

Thursday, July 7, 2016

Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Paggabay sa Pagpapasiya.





                          Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya


                                                                                                                                                                                       Isa sa mga pangunahing makatutulong upang ang isang tao ay maging matagumpay, masaya at magkaroon ng kakayahan na makapag-ambag para sa kaunlaran ng lipunan ay ang turuan siya na makagawa ng mabuting pagpapasiya at pagkatapos ay bigyan siya ng laya na magpasiya para sa kanyang sarili.
                   Ang mga pagpapasiyang isasagawa ng bata hanggang sa kaniyang pagtanda ang siyang magdidikta kung anong uri ng tao siya magiging sa hinaharap at sa kung anong landas ang kaniyang pipiliing tatahakin.
                   Mahalagang magabayan ang isang kabataan sa paggawa ng tamang pagpapasiya upang hindi siya masanay na gumawa ng mga maling pasiya at hindi matuto sa mga ito.

                   Piliin mo ang magmahal..... kaysa ang masuklam.   
                   Piliin mong ang tumawa..... kaysa ang maluha.   
                                  
                   Piliin mo ang lumikha.....kaysa ang sumira.
                   Piliin mo ang magtiyaga.....kaysa ang manghinawa.
                   Piliin mo ang pumuri.....kaysa ang manira.
                   Piliin mo ang magpagaling....kaysa ang manakit.
                   Piliin mo ang magbigay....kaysa ang magnakaw.
                   Piliin mo ang umunlad....kaysa ang mabulok.
                   Piliin mo ang manalangin....kaysa ang manisi. 
                   Piliin mo ang mabuhay....kaysa ang mamatay at
                   Piliin mo ang tamang pagpapasiya upang ikaw ay lumaya at tunay na lumigaya.


                              

                     
                  Ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili. Ang pagkakaroon ng kakayahan sa mabuting pagpapasiya ay bunga ng karunungan at pagpapahalagang naitanim ng mga magulang sa kanilang mga anak mula noong sila ay bata pa lamang. Ito ay bunga ng pagtitiwala at pagbibigay sa mga bata ng kalayaan na gumawa ng pagpapasiya na ginagabayan ng maingat na paghusga.



                                       

    

Wednesday, July 6, 2016

Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon



                                               
                                                        Pagbibigay ng Edukasyon



           Dahil ang magulang ang ginamit na instrumento ng Diyos upang bigyan buhay ang kanilang mga anak, may karapatan at tungkulin ang una upang bigyan ng edukasyon ang huli. Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
           Ngunit mahalagang maunawaan na wala pa ring makahihigit sa pagtuturo sa pamamagitan ng pagpapakita ng magandang halimbawa. Ang halimbawa ang pundasyon ng impluwensiya. Ang mga bagay na nakikita ng mga bata na ginagawa ng kanilang magulang, ang mga salita na kanilang naririnig sa mga ito, at ang paraan ng kanilang pag-iisip ang tunay na makaiimpluwensiya sa kanilang mga iisipin, sasabihin, at isasagawa.
   
    Sabi nga,

            Kung ang isang bata ay namumuhay sa pamumuna o sa pamimintas, natututo siyang maging mapanghusga.
            Kung isang bata ay namumuhay sa katiwasayan, natututo siyang maniwala sa kanyang sarili.
            Kung ang isang bata ay namumuhay sa poot, natututo siyang lumaban.
            Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagtanggap, natututo siyang magmahal.
            Kung ang isang bata ay namumuhay sa takot, palagi siyang mababalot ng pag-aalala.

            Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagkilala, natuto siyang bumo ng layunin sa buhay.
            Kung ang isang bata ay namumuhay sa awa, palaging may awa sa kaniyang sarili.
            Kung ang isang bata ay namumuhay sa papuri, natutuhan niya magustuhan ang kaniyang sarili.
           Kung ang isang bata ay namumuhay sa selos, natututo siyang palaging makaramdam ng pagkakasala.
          Kung ang isang bata ay namumuhay sa pakikipagkaibigan, natutuhan niya na masarap mabuhay sa napakagandang mundo.

        Ang mga magulang ang kauna-unahang modelo ng kanilang mga anak. Hindi ito maiiwasab dahil lahat ng kanilang sinasabi at ginagawa ay nakaiimpluwensiya sa kanilang mga anak, positibo man ito o negatibo. Magsisilbing pamantayan ng kilos at asal ng mga anak ang kanilang nakikita mula sa kanila.






       
    
            
     

Sunday, July 3, 2016

ANG PAMILYA BILANG LIKAS NA INSTITUSYON

Maaring patuloy na nagkakaroon ng ebolusyon sa kahulugan ng pamilya ngunit isa ang mananatili, ang pamilya ay isang likas na institusyon . Bakit nga ba?  Ito ang pitong(7) mahahalagang dahilan:










 
1.  Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.



 
2.  Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang magpakasal at magsama ng habang buhay.

                                 
3 Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon  ng lipunan at patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay-buhay.



 
4Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.




5 Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay (the first and irreplaceable school of social life).


   

6 May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.



7. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya.
          

     
      Ang pamilya, dumaan man sa maraming mg pagbabago bunga ng modernisasyon, ay mananatiling natural na institusyon ng lipunan. Mahalagang hindi mabago kasabay ng panahon ang pag-iral ng isang pamilya.
      Kung ito ay magpapaanod sa pagbabago, saan pa likas na dadaloy ang pagmamahal at pagtutulungan? Saan pa matututo ang taong magmahal at maglingkod Saan pa kukuha ng pag-asa ang lipunan na umunlad? 
      Kabataan, kailangan mo nang kumilos para sa pagtataguyod at pagmamahal ng sarili mong pamilya. May gampanin ka, may bahagi ka, nakahanda ka na ba?